Ikinasa na ng Department of Transportation (DOTr) at Landbank of the Philippines ang pilot testing sa paggamit ng EMV-compliant prepaid, debit at credit cards para sa cashless payment sa public transport.
Tinawag itong “Automated Fare Collection System (AFCS) EMV Contactless Pilot Production Testing” na kung saan ang EMV cards ay may “embedded microchip design” para sa ligtas na pagbabayad.
Ito rin ay bahagi ng isinasawagang Automated Fare Collection System National Standard (AFCSNS) ng DOTr na magbibigay daan para sa convenient at mas maraming opsyon ng pagbabayad sa araw-araw na byahe.
Nabatid na may kabuuang 150 modernong jeep sa ilang piling pilot sites sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON at Metro Cebu ang tatanggap ng bayad mula sa Landbank prepaid at credit contactless cards para sa unang buwan ng programa.