Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas para sa automatic PhilHealth coverage ng lahat ng persons with disability o PWD.
Sa botong 204-0, lumusot sa plenary session kahapon ang House Bill 8014.
Nakasaad sa panukalang batas na ang pondong gagamitin para sa implementasyon ay magmumula sa excise tax ng alcohol at tobacco products.
Sa loob naman ng isang buwan ay ilalatag ng PhilHealth at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang rules and regulations para sa implementasyon.
—-