Automation ang nakikitang sagot ng Anti Red Tape Authority (ARTA) —hindi lamang upang mapabilis ang mga transaksyon, kun’di sagot din sa laganap na katiwalian sa mga ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay Atty. Jeremiah Belgica, malaking bagay kung mababawasan ang partisipasyon ng tao sa mga transaksyon sa pamahalaan tulad ng pagkuha ng permit.
Ngayong taon anya ay inaasahang makukumpleto na ang central business portal kung saan mangunguna sa mga gagamit nito ang Securities and Exchange Commission (SEC), Pag-IBIG, Social Security System (sss) at iba pa.
Samantala, target naman anya nila sa mga susunod na taon ang mahikayat ang lahat ng local government units na magkaroon ng electronic business one stop shop.
Kasama d’yan ‘yung matinding implementation na merong masususpinde at makakasuhan. Mahalaga ‘yon, kasi sa ating batas ngayon, kaya nga meron na tayong mga nakasuhan kahit mga local chief executives dito sa batas under ng ease of doing business act. Kasabay din ito sa ginagawa natin na pagpapabilis din ng release ng permit doon sa mga common towers, sa mga telco towers, kasi kailangan bumilis ang ating internet. kasi kapag mag-o-automate lahat, kailangan mabilis ang internet natin,” ani Belgica. —sa panayam ng Ratsada Balita