Inilabas na ng mga otoridad ang autopsy report kaugnay sa pagkamatay ng 29 anyos na negosyante.
Ayon sa Special Investigation Task Group Shiryl multiple organ failure secondary to complications ng cosmetic surgery ang ikinamatay ni Shiryl Saturnino.
Kapag napatunayang ang pagkamatay ni Saturnino ay resulta ng kanilang pagpapabaya sa tungkulin sinabi ni SITG Shiryl Commander Police Senior Supt Marcelino Pedrozo ay mahaharap sa criminal at administrative cases sina doctor Samuel Eric Calderon Yapjuangco, Anesthesiologist Dr Jose VIto Cordero Mendiola at mga nurse na sina Virgil Alec Ongleo, Alvin Carl Genove at Audrey Michelle Santos.
Inihayag ni Pedrozo na naniniwala siyang nagpabaya ang Icon Clinic lalo nat hindi ito nasunod ang initial requirements para mag operate ang isang medical clinic.
Ipinabatid ni Pedrozo na pinag aaralan nila ang pagsasampa ng reckless imprudence resulting to homicide laban sa medical team dahilan sa posibleng suspensyon at maging pagbawi sa lisensya ng mga ito.
By: Judith Larino