Sumadsad na sa below 1,000 ang average new COVID-19 cases sa Metro Manila, sa kauna-unahang pagkakataon simula noong July 22 hanggang 28.
Batay sa 7-day average ng mga bagong kaso sa NCR, bumaba na ito sa 996 cases.
Ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido David, ang current average number ng cases ay 43% na lamang kumpara sa 7-day average na 1,762 noong isang linggo.
Nasa 7.03 per 100,000 individuals per day naman ang kasalukuyang average daily attack rate sa Rehiyon.
Sa datos ng DOH, halos 13-K ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. —sa panulat ni Drew Nacino