Bumaba sa halos 3,000 ang average daily cases ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon sa OCTA Research, nasa 2,959 average new daily cases ang naitala sa nakalipas na 7 araw, ito ay 15 %na mas mababa kumpara sa 3,487 kaso noong nakaraang linggo.
Tinukoy din ng grupo na mababa ang average daily attack rate ng bansa na nasa 2.69 sa kada 100,000 population.
Sumadsad din ang reproduction number o bilang ng nahawaan ng isang kaso ng COVID-19 sa 0.91 noong August 24 mula sa 0.96 noong August 17.
Ang reproduction number na mababa sa isa ay indikasyon na bumababa na ang impeksyon ng naturang virus.