Bumaba sa dalawa ang naitalang average na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Ilocos Region mula Abril 10 hanggang 16.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Abril 18, ang nasabing bilang ng mga kaso ay mas mababa kumpara sa naitalang bilang mula Abril 3 hanggang 9.
Noong nakaraang linggo, 17 bagong kaso ang naitala ng Regional DOH, kung saan walo ang nakumpirmang nasawi sa nasabing sakit.
Samantala, aabot sa 29 na pasyente o 12% ng kabuuang COVID-19 admissions sa lugar, ang itinuturing na severe at critical.
Ayon pa sa DOH, nasa 13% o 30 sa 235 ICU beds ang okupado.