Bumaba ang naitalang seven-day average ng bilang ng mga nasasawi sa COVID-19 kada araw sa Pilipinas.
Sa datos na inilabas ni OCTA Fellow Dr. Guido David, bumulusok sa labindalawa ang seven-day average ng COVID-19 deaths hanggang nitong November 21 kumpara sa 38 noong October 21.
Sinabi pa ni David na mula sa 64,524 COVID-19 deaths na naitala sa bansa, 42,260 dito o katumbas ng 65.5% ay naitala noong 2021, habang 13,105 o 20% naman ng nasabing bilang ang naitala ngayong taon.
Naitala aniya ang pinakamataas na seven-day average ng mga namatay sa naturang sakit noong August 22, 2021 na umabot sa 267.