Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA), na ang average na buwanang sahod para sa mga time-rated na manggagawa ay bumaba mula P18,108 hanggang P16,486.
Ito’y matapos tumama ang COVID-19 sa bansa na bumaba ng 9% ang average ng buwanang sahod ng mga manggagawa kumpara noong 2018.
Ayon sa Occupational Wages Survey (OWS), ang median na buwanang pangunahing sahod sa lahat ng industriya ay P13,646 noong 2020, na may 0.6% na pagtaas mula sa P13,559 noong 2018.
Habang ang mga manggagawa sa agrikultura, panggugubat, at pangingisda ang may pinakamababang buwanang suweldo na P10,476, na may 6.2% pagtaas mula sa P9,861 noong 2018.
Samantala, sinabi ng PSA na mayroong malaking pagtaas ng 14.5% sa sahod sa industriya ng pagmimina at pag-quarry dahil ang monthly basic pay ay tumaas sa P13,272 noong 2020 mula sa P11,590 noong 2018.