Pumalo na sa P89.93 centavos ang average na presyo ng asukal sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Mula ito sa P87.50 centavos noong nakalipas na linggo.
Batay sa price monitoring na isinagawa ng Sugar Regulatory Administration (SRA), aabot sa P115 ang pinakamataas na presyo ng asukal na kanilang naitala, habang P69.30 centavos ang pinakamababa.
Nananatili namang mura ang average na washed at raw sugar na mabibili sa halagang P69.86 centavos at P67.86 centavos.