Nabawasan ng higit 700 ang ‘average number’ ng mga kaso kada araw sa National Capital Region (NCR) nitong nakaraang linggo.
Ito’y batay sa pinakahuling monitoring report ng OCTA Research Group kung saan lumalabas na sumadsad ng 18% ang mga naitatalang kaso mula ika-labing isa hanggang ika-labimpito ng Hunyo kumpara sa mga nakalipas na linggo.
Ayon sa grupo, mula ika-apat hanggang ika-10 ng Hunyo kasi ay nasa 924 ang ‘average number’ ng COVID-19 cases per day sa Metro Manila.