Iginagalang ng Philippine National Police Aviation Security Group ang isinampang kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga tauhan nito kaugnay sa tanim-laglag bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay PNP-ASG Spokesman Police Chief Inspector Samuel Hojilla, bukod sa kaso sa Department of Justice (DOJ) ay nahaharap din sa kasong administratibo ang apat na tauhan nito kasunod ng isinagawang sariling hearing ng board ng aviation security group.
Mayroon aniyang sariling imbestigasyon na isinasagawa ang PNP-CIDG sa Camp Crame.
“Doon sa findings ng NBI, sila ay maituturing pa din na inosente unless proven guilty beyond reasonable doubt, sila ay binibigyan naman ng patas na paglilitis yung ating mga miyembro ng PNP na sangkot dito.” Pahayag ni Hojilla.
By Rianne Briones | Ratsada Balita