Patay ang Award Winning Mexican Journalist na si Javier Valdez matapos pagbabarilin sa Sinaloa.
Ayon sa report, pinaulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang kotse na minamaneho ni Valdez.
Matatandaang 2011 nang gawaran si Valdez ng International Press Freedom Award ng Committee to Protect Journalist dahil sa coverage nito ukol sa drug trafficking.
Si Valdez na ang ika-limang mamamahayag na napatay sa Mexico ngayong taon.
By Ralph Obina