Nauwi sa patayan ang pag-aaway ng mag-utol na kinilalang sina Jerry at Jesus Cabiling sa Angono, Rizal.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, masayang nag-iinuman ang magkapatid at nang malasing ay nauwi sa away kung saan, napatay si Jerry Cabiling matapos pagsasak-sakin sa ibat-ibang parte ng katawan gamit ang isang kutsilyo.
Nadakip naman sa follow-up operation ng mga otoridad makaraang tumakas ang suspek at kapatid nitong si Jesus Cabiling na nahaharap sa kasong homicide. —sa panulat ni Angelica Doctolero