Hawak na ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group ang naarestong AWOL (Absent Without Official Leave) na pulis na nahulihan ng shabu sa Hermosa St., Tondo, Maynila.
Kinilala ang suspek na si PO1 Ernesto Borleo Jr. na dating nakatalaga sa Regional Public Safety Battalion.
Ayon sa ulat, magsisilbi sana ng arrest warrant ang CIDG-Manila laban sa Top 10 most wanted at supplier ng shabu na si Alfred Basilisa sa Tondo, pero si Borleo ang kanilang dinatnan sa lugar.
Narekober sa suspek ang isang 9mm pistol, isang carbine, mga bala ng M-16, at 15 sachet ng shabu.
By Meann Tanbio | Report from Aya Yupangco (Patrol 5)