Patuloy ang isinasagawang backtracking ng awtoridad hinggil sa pagkawala ni Rev. Fr. Leoben Peregrino na natagpuan sa barangay Lumil Silang, Cavite nitong linggo.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni police Lt. Col Ruther Saquilayan, hepe ng Rosario Municipal Police Station, na hindi pa nila nakakausap ang pari dahil humiling ng privacy ang pamilya nito at wala pang go signal mula sa diocese ng Imus upang makapagbigay ito ng pahayag.
Sa ngayon aniya ay blangko pa rin sila kaugnay sa nagyari sa pari na natagpuang nakatali sa loob ng sarili nitong sasakyan.
“Kahapon po nagpatakbo po ako ng imbestigador namin para makakuha kami ng medical abstract…pero ayaw po nila magbigay ng medical abstract hangga’t ‘di po pumapayag ang pamilya ni father…pati po sa dasmarinas hindi rin po kami binibigyan ng medical abstract…
Tinig ni Rosario Police chief police colonel Ruther Saquilayan sa panayam ng DWIZ.