Sarado hanggang sa Huwebes, Oktubre 1 ang Ayala Bridge.
Ayon sa ulat ito ay para sa gagawing karagdagang rehabilitasyon sa naturang tulay.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motoristang bibiyahe patungong Maynila na dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta.
Matatandaang una nang sinara ang Ayala Bridge mula Marso hanggang Hulyo ng taong ito para sa pagkumpuni dito.
By Ralph Obina