Plano ng pamahalaan na magbigay ng ayuda sa mga residente ng Bangsamoro Region kapalit ang pagpapabakuna ng mga ito kontra COVID-19.
Tinukoy ng Department of Health (DOH) ang mga hamon na kinakaharap ng rehiyon tulad ng vaccine hesitancy, limitadong manpower, fake news, late submission ng arawang vaccination reports, at ang mahinang suporta ng local chief executives at Barangay Local Government Units (BLGU).
Binabalak rin ng pamahalaan na magkasa ng random checkpoints ng vaccination cards upang mapuksa ang paglaganap ng pekeng vaccination cards.
Hiniling naman ng ahensya ang suporta mula sa municipal mayor, head of offices, at BLGU upang mapataas ang vaccination rate sa rehiyon.