Kasado na ang paghahatid ng ayuda ng DSWD sa mga naapektuhan ng bagyo sa Northern at Central Luzon.
Ipinabatid ito ni DSWD Secretary Erwin Tulfo sa gitna na rin nang patuloy na pag-monitor sa galaw ng bagyo.
Sa ngayon aniya ay naka-preposition na ang kanilang relief items sa regional at provincial offices nila at handa na rin ang kanilang mga tauhan na mamamahagi nito sa evacuation centers.
Batay sa pinakahuling report, nasa 134 families o mahigit 500 individuals ang inilikas mula sa Cagayan dahil sa bagyong Florita.