Gagamitin ng pamahalaan ang tulong ng China para maibaba ang antas ng kahirapan sa bansa.
Target ng Duterte administration na maibaba ng labing apat (14) na porsyento ang kahirapan sa bansa pagbaba ng Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto sa 2022.
Ayon kay Liza Maza, Chairperson ng National Anti-Poverty Commission, noong nakaraang taon pa nagpadala ang China ng Chinese experts sa mga mahihirap na komunidad sa bansa.
Layon nito aniya na mapag-aralan kung saang lugar dapat nakatutok ang tulong na ipagkakaloob sa Pilipinas.
Sinabi ni Maza na target ng China na maibahagi sa ibang bansa ang nagawa nilang pagpapaangat sa buhay ng mahigit sa pitong daang libong (700,000) mahihirap sa kanilang bansa.
—-