Natanggap na ng DPWH o Department of Public Works and Highways ang ayuda ng China para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Sa ginanap na turnover ceremony kahapon sa punong tanggapan ng DPWH sa Maynila , personal na ipinagkaloob ni China Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua kay Secretary Mark Villar ang mga heavy equipment na gagamitin sa muling pagsasaayos ng lungsod.
Kabilang sa mga ibinigay na kagamitan ng China ay mga wheel loader , dump truck , cement mixer , bulldozer at container van.
Ayon kay Secretary Villar , malaki ang maitutulong ng mga nabanggit na heavy equipment para sa mabilis na rekonstruksyon ng marawi.
Samantala , ipinahayag naman ni Ambassador Jianhua ang kanyang paghanga sa ipinamalas na katapangan ng mga sundalong nakipaglaban sa giyera.
Giit ni Jianhua, lalo pang palalakasin ng China ang kanilang uganayan sa Pilipinas upang labanan ang mga teroristang planong maghasik ng kaguluhan sa Asya.