Sinuspinde ng Department of Social Welfare and Development ang tulong pinansiyal sa mga indibidwal na nahaharap sa krisis, sa ilalim ng kanilang Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS). program.
Ito, ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spokesman Rommel Lopez, ay habang naghihintay pa sila ng pondo para sa nasabing programa.
Tiniyak naman ni Lopez na pansamantala lamang ang suspensiyon at agad din nilang ibabalik sa oras na mai-download ang kanilang pondo para sa taong 2023.
Maaari anyang magtagal lamang ang suspensiyon ng isa hanggang dalawang linggo, na karaniwan namang nangyayari sa pagsisimula ng taon.
Sa kabila nito, pwede pang magproseso ng assistance ang kagawaran para sa mga kliyente na ang mga service providers ay tumatanggap ng guarantee letters, tulad ng ospital at mga punerarya.
Ang AICS ng DSWD ay nagkakaloob ng financial assistance para sa transportasyon, medikal, paglilibing, pagkain at iba pang support services sa mga pamilya o indibidwal.