Mayroong P34.7 million pesos na stand by fund ang Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa mga naapektuhan ng bagyong Kabayan.
Sinabi ni DSWD Secretary Dinky Soliman na maliban dito mayroon din silang nakahanda na mahigit 140,000 family food packs.
Nakahanda din ang P71 milyong pisong halaga ng mga food at non-food items na maaaring gamitin ng lokal na pamahalaan.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)