Halos P4-milyon na ang naibibigay na ayuda ng gobyerno sa mga nasalanta nang pagputok ng Bulkang Taal.
Ipinabatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroon pang mahigit 57,000 katao ang mga nasa evacuation centers at karamihan sa mga evacuee ay mula sa Batangas.
Kabilang sa mga naibigay na tulong ang mahigit 7,000 food packs, mahigit 6,000 ready-to-eat food at halos 4,000 plastic mats.