Natanggap na ng Pilipinas ang ayuda mula sa Japan government para sa mga biktimang nasalanta ng bagyong Odette.
Dumating ang nasabing ayuda sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na namahagi ng emergency assistance packs.
Mismong si Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko ang nag-abot ng disaster relief assistance kung saan tinanggap naman ito ni DSWD Director Emmanuel Privado.
Kabilang sa mga ayuda mula sa nasabing bansa ay ang generators, sleeping mattresses, sleeping pads, dome tents, jerry cans at plastic sheets mula JICA storage sa bansang Singapore.