Matatanggap na ng mga tsuper ng jeep at bus ang kanilang lingguhang subsidy sa ilalim ng service contracting program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon sa LTFRB, nagtalaga na sila ng halaga para sa kada kilomentrong itatakbo ng isang jeep mapa-tradisyunal o modern at mga pampublikong bus na kabilang sa naturang programa.
Mababatid na matatanggap ng mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan ang naturang subsidy sa pamamagitan ng kanilang mga account sa Land Bank of the Philippines (LBP).
Sa mga wala namang LBP account, maaaring matanggap ang initial subsidy gamit ang PayMaya o GCash.