Sinisimulan na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang apektado ng oil spill na dulot ng paglubog ng MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Para alamin ang update sa nangyaring pagkalat ng langis, pinulong ng lokal na pamahalaan ang mga kinatawan ng ilang ahensya, kabilang ang Phil. Coast Guard, Department of Health, Bureau of Fire Protection, Armed Forces of the Philippines, at Philippine National Police.
Maliban sa LGU, dumalo rin sa Operational Period Briefing ngayong araw si DSWD Secretary Rex Gatchalian na nangakong maghahatid ng 10,000 family food packs kada apat na araw sa mga mamamayan sa anim na bayan ng probinsya.
Magkakaroon din ng cash for work program ang DSWD upang makatulong sa pagkukunan ng pangkabuhayan ng mga apektadong pamilya.