Magsisimula na sa Nobyembre 15 ang pamamahagi ng ayuda ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa sektor ng turismo.
Ayon kay Labor Usec. Dominique Tutay, Oktubre 28 pa naibaba sa kanilang regional offices ang P4.7-M pondo para sa COVID-19 adjustment measure program (CAMP).
Dahil dito, makatatanggap ng P5,000 ang mga nagtatrabaho sa sektor ng turismo na apektado ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.
Kasunod nito, sinabi rin ni Tutay na sinimulan na rin nila ang pagbababa ng pondo sa kanilang mga tanggapan sa iba’t-ibang rehiyon para naman sa kanilang TUPAD program.