Maglalaan ang Department of Tourism (DOT) ng pondo para sa mga nasa tourism sector na naapektuhan ng dalawang linggo nang enhanced community quarantine (ECQ).
Ito’y matapos makipag-ugnayan ang DOT sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat, na hindi maaaring mag-work from home ang mga nasa sektor ng turismo lalo na ang mga drivers, hotel workers at tour guides.
Bukod dito, target ng ahensya na maglaan ng P5,000 ng ayuda at pondo para sa naturang sektor.
Samantala, malaki ang nawawala sa tourism industry kaya’t ang ibang manggagawa ay umaasa na lamang sa ayuda ng pamahalaan. — Sa panulat ni Rashid Locsin.