Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lokal na pamahalaan ang nasa mahigit Php 14.5-M halaga ng ayuda para sa mga nasalanta ng bagyo.
Ayon kay DSWD Spokesman Dir. Irene Dumlao, ito ay bilang tugon sa mga nasalanta ng bagyong Odette kasabay ng pamamahagi ng mga food packs sa Regions 10, 11 at 12 maging ang Western Visayas, Eastern Visayas at MIMAROPA.
Samantala, makakatanggap din ng tig-limang-libong pisong food packs ang Dinagat Islands at Siargao. —sa panulat ni Angelica Doctolero