Aabot sa 32.5 tonelada ng mga relief goods ang naihatid ng Philippine Navy sa Tagbilaran City sa Bohol para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Lulan ng BRP AGTA na dumaong sa Tagbilaran portn ang mga nasabing ayuda na ipinadala ng Civil Military Operations Group ng Philippine Navy.
Naglalaman ito ng pagkain, tubig at mga tolda na mga donasyon mula sa Non-Government Organization at stakeholders na una nang dinala ng BRP Tarlac mula Maynila.
Magugunitang umalis sa Manila South Harbor ang BRP Tarlac nuong nakalipas na linggo bitbit ang may 488 tonelada ng mga relief goods para sa mga biktima ng bagyo sa Cebu, Bohol at Surigao del Norte —ulat mula kay Jaymark Dagala (Pat 9)