Tiniyak ng Malacañang ang ayuda para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa Gitnang Silangan na posibleng maapektuhan ng tanggalan dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Ayon kay Communications Group Secretary Herminio Coloma Jr., patuloy ang ginagawang monitoring ng pamahalaan sa sitwasyon sa Gitnang Silangan.
Siniguro naman ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na kanilang tutulungan at bibigyan ng kabuhayan ang mga OFW na maapektuhan ng tanggalan sa Middle East.
Maliban sa pagbaba ng presyo ng langis sa World Market, mayroon ding political development na maaaring makaapekto sa employment ng mga kababayan nating nasa Gitnang Silangan.
By Ralph Obina