Inaprubahan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng mahigit P3-B ayuda para sa mga pampublikong driver na nakiisa sa service contracting program.
Ipinabatid ito ni LTFRB chairman Martin Delgra na nagsabing apat na libong piso ang makukuha ng PUV operators at drivers bukod pa sa lingguhang bayad base sa kilometro na byahe nito kada linggo, may pasahero man o wala.
Ayon kay Delgra, nagsimula na ngayong araw na ito ang pagpapalabas ng pondo para sa mga apektadong driver at operator at inaasahang matatapos nila sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw ang pamamahagi ng one time pay out.