Tinatalakay na ng pamahalaan ang pagbibigay ng ayuda sa mga Pilipinong apektado ng lockdown sa Shanghai, China na nakakaranas ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.
Ayon sa konsulado ng Pilipinas sa Shanghai, mayroon nang pinag-uusapang one-time assistance ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mga Pinoy.
Sinabi naman ni Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana na nagpadala na sila ng request sa office of Migrant Workers Affairs para magkaroon ng ayuda ang mga Pilipino sa shanghai at hinihintay na lang ang tugon ng nasabing ahensya.
Nabatid na tatlong linggo nang nasa total lockdown ang naturang lugar para makontrol ang surge ng COVID-19. – sa panulat ni Airiam Sancho