Mas pabor si Pangulong Bongbong Marcos na bigyan ng ayuda ang mga election worker kaysa bigyan ng tax exemptions ang honoraria, allowances at iba pang benepisyo na ibinibigay sa mga ito.
Ito’y sa kabila ng kanyang desisyong i-veto ang panukalang batas na layuning magbigay ng tax exemption sa allowances, honararia at iba pang financial benefits ng mga poll worker.
Matapos ang kanyang talumpati sa “Pinas-Lakas” Nationwide Booster Vaccine Campaign kontra COVID-19 sa Pasig Sports Complex, nilinaw naman ni Pangulong Marcos na hindi niya kinalilimutan na bigyang pansin ang kapakanan ng mga nagsilbi noong halalan.