Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development o D-S-W-D ang pamamahagi ng ayuda sa mga apektado ng ipinatupad na granular lockdown sa National Capital Region.
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, aabutin ng isang linggo ang pamamahagi ng kanilang ayuda sa mga residente sa Metro Manila.
Base sa ipinatupad na alert level system, pansamantala munang pagbabawalang makalabas ng bahay ang mga residente at tanging papayagan lamang na makalabas ang mga medical frontliners, mga uuwi at aalis na mga O-F-W at mga health care workers.
Sa ngayon, patuloy paring minomonitor ng gobyerno ang pagsirit ng COVID-19 cases sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero