Posibleng sa Biyernes na magsimula ang pamamahagi ng ayuda sa mga low-income resident sa Metro Manila.
Ito’y ayon kay Interior Secretary Eduardo Año kaugnay ng pagsasailalim sa ECQ ng Metro Manila simula sa Agosto 6.
Sinabi ni Año na kanilang sisikapin na masimulan ang pamamahagi ng ayuda sa lalong madaling panahon.
Ipinaalala naman ni Año na ang pinal na listahan ng mga benepisyaryo ng ayuda ay manggagaling sa kanilang lokal na pamahalaan at kanilang matatanggap ito sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay o transmittance centers.