Puputulin na ng United States ang kanilang ibinibigay na ayuda sa ilang Central American countries o tinaguriang “Northern Triangle”.
Ito’y batay sa anunsyo ng state department.
Nakasaad sa inilabas na kautusan ni Secretary of State Mike Pompeo na isasakatuparan nila ang direktiba ni US President Donald Trump at tutuldukan na ang mga assistance program na ipinagkakaloob sa mga bansang El Salvador, Guatamela at Honduras.
Inakusahan ni Trump ang mga naturang bansa na walang ginagawang mga hakbang para matigil ang pag-agos ng mga dayuhang tumatakas sa kahirapan at karahasan at sinusubukang manghimasok sa Estados Unidos.
Gayunman, hindi naman ipinahayag ng state department ang halaga ng hindi nagamit na pondo dahil sa naturang hakbang.
Magugunitang noong Disyembre ay nagkasundo ang Amerika at Mexico na mag-invest sa Northern Triangle at Southern Mexico sa pag-asang masugpo ang pagdagsa ng mga migrante sa kanilang bansa.