Bibigyan ng ayuda ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga kumpanya para lamang maibigay ang 13th month pay sa kanilang mga empleyado.
Ipinabatid ni DTI Secretary Ramon Lopez na plano nilang gumawa ng lending facility sa pamamagitan ng Small Business Corporation (SB CORP) kung saan makakautang ang mga negosyanteng labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang kanilang negosyo.
Ang naturang hakbang ayon kay Lopez ay tulad din nang ginawa nila nuong isang taon na bilang pagsuporta sa micro, small and medium enterprises para maibigay ang 13th month pay na nakasaad sa batas.
Nakikipag ugnayan na rin sila aniya sa DOLE hinggil sa nasabing usapin.