Siniguro ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mayroong matatanggap na ayuda ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na mag-a-avail ng repatriation program sa Iran at Iraq.
Ayon kay Bello, ang mga documented workers ay makatatanggap ng mga benepisyo tulad ng livelihood assistance at immediate financial assitance.
Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang sasagot ng repatriation expenses ng mga ito.
Samantala, nakikipagtulungan na ang DOLE sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagmomonitor ng kalagayan ng mga Pilipino sa mga naturang bansa.