Umabot na sa P27-milyon ang halaga ng tulong na naipamahagi sa mga pamilyang apektado ng pag-alburuto ng Bulkang Taal.
Ito ay batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan nagmula umano ang ito sa Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang Local Government Units (LGUs).
Samantala, ayon sa NDRRMC, patuloy na lumolobo ang bilang ng mga bakwit.
Sa pinakahuling tala mayroon nang mahigit sa 300,000 indibidwal o katumbas ng 86,000 pamilya ang apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.