Umakyat na sa mahigit P150 milyon (p150,185,204.78) ang naipamahaging ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Local Government Units (LGUs), Non-government Organizations (NGOs) at iba pang partners nito sa mga naapektuhan ng bagyong Paeng.
Batay sa datos mula sa DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, nasa 36,542 pamilya o 152,063 indibidwal ang nanunuluyan pa rin sa evacuation centers habang 195,607 families o 896,137 katao ang nananatili naman sa ibang mga lugar.
Naapektuhan naman ang kabuuang 1,186,185 pamilya mula sa National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region (CAR), Regions I, II, II, Calabarzon, Mimaropa V hanggang XII, Caraga at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Napinsala rin ng bagyo ang ilang mga kabahayan kung saan 2,518 ang totally damaged habang 25,793 ang partially damaged.