Panalo ang Philippine Azkals kontra koponan ng North Korea sa FIFA World Cup Qualifiers na ginanap sa Rizal Memorial Football stadium sa iskor na 3-2, Martes.
Unang pumuntos ang Azkals sa pangunguna nina Misagh Bahadoran at Javier Patiño.
Naging aktibo din ang North Korea sa pag-depensa nang tumabla pa ang iskor, 2-2 sa 84th minute ng laro.
Sa huli ay umiskor ang Azkals sa pamamagitan nina Iain Ramsay at Patiño sa last minute ng laro na nagpasigaw sa kasiyahan sa mga fans na nasa stadium.
Naniniwala si Coach Thomas Dooley na nakatulong sa Azkals ang pagkatalo sa Uzbekistan para mapalakas ang depensa sa laban sa NoKor.
Dahil sa panalo umakyat na sa ikatlong puwesto ang Azkals sa Group H ng 2018 World Cup at posibleng mabigyan ng tsansang makapaglaro sa 2019 Asian Cup.