Pursigido ang Philippine Azkals na maipanalo ang laban sa Yemen mamayang gabi sa Rizal Memorial Stadium.
Ito ayon kay Azkals Coach Thomas Dooley ay kahit hindi makakapaglaro ang striker/team captain na si Phil Younghusband.
Si Stephan Schrock ang pansamantalang magsusuot ng captain’s armband.
Sinabi ni Dooley na kailangang manalo ng Azkals sa nasabing laro para manatiling buhay ang pag-asang makapasok sa susunod na round ng 2018 World Cup Qualifier.
Bukod sa Yemen, kailangan ding manalo ng Azkals laban sa mas malakas na koponan ng Uzbekistan at North Korea sa March 2016 para makapasok sa third round ng torneo.
By Judith Larino