Pinataob ng Philippine football team na Azkals ang bansang Maldives sa FIFA friendly match na ginawa dito sa Maynila.
Nakakopo ng dalawang puntos ang Pilipinas sa ika-48 at ika-55 minuto ng laban.
Ito’y dahil sa sinasabing pagkakamali ni Mohamed Samdhooh ng Maldives mula sa right corner kick ni Phil Younghusbund na sinundan naman ng goal ni Jerry Lucena.
Ang paghaharap na ito ng Maldives at ng Pilipinas ay paghahanda lamang sa gagawing FIFA World Cup sa 2019 kung saan, haharap ito sa qualifying match laban sa Uzbekistan.
By Jaymark Dagala