Aminado ang Bureau of Immigration na hindi pa nila batid ang kinaroroonan ng mahigit 40K pogo workers na nakatakdang ipadeport ng gobyerno.
Ito ang inamin ni B.I. Deputy Commissioner Fortunato Manahan Jr., nang tanungin ni Senador Grace Poe sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means.
Ayon kay Manahan, ang nasabing bilang ay tantsa pa lamang kung mayroong 200 manggagawa ang mahigit 200 POGO firms na may terminated licenses.
Gayunman, pinuna ni Poe ang B.I. official at iginiit na wala naman palang katiyakan ang 40,000 POGO worker o hindi aktuwal na bilang at pinaka-mahirap pa anya ay hindi rin masabi kung nasaan ang mga ito.
Kahapon nagsimula ang hearing ng Kumite na layuning timbangin ang benepisyo ng mga POGO at epekto nito sa lipunan.