Mas higit umanong nakakahawa ang bagong COVID-19 Omicron subvariant na BA.2.75 at uubrang tablahin ang mga bakuna kontra COVID-19.
Binigyang diin ito ni Dr. Rontgene Solante, Infectious Disease Expert bagamat naghihintay pa sila ng mga pag-aaral na nagsasabing mas matitinding sintomas ang dala ng naturang Omicron subvariant na tinagurian ding Centaurus.
Ayon pa kay Solante, miyembro ng Vaccine Expert Panel (VEP), maaga pa para matukoy ang anyo at galaw ng BA.2.75 subalit may mga mutations na nadiskubre nilang mayruong mataas na hawahan tulad ng BA.5 at may posibilidad na makaapekto ito sa mga bakuna.
Sinabi ni Solante na kung titingnan ang genetic tree ng Omicron variant habang nag-e-evolve ito, nariyan ang posibilidad nang tumaas na hawahan at abilidad na balewalain ang mga bakuna o mismong proteksyon na ibinibigay ng mga bakuna.
Ang BA.2.75 ay unang lumutang sa India nuong Mayo at mabilis na kumalat sa mga bansang Amerika, Britanya, Australia at Netherlands.