Inihayag ng Philippine Genome Center (PGC) na hindi na nila nakikitang pre dominant ang Omicron subvariant na BA.2.3 sa kasalukuyan.
Ito’y dahil sa halos apat na araw na hindi pagbaba sa 4,000 ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Dr. Cynthia Salona, Executive Director ng PGC na ang BA.5 na ang most pre dominant sample o variant sa Pilipinas.
Maliban dito, konti nalang din aniya ang naitatala na kaso ng BA.4 at BA.2.12.1 bukod sa tatlong BA.2.3 na pre dominant noong unang kwarter ng 2022.