Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang isang ginang na nagkamal umano ng 148 milyong piso mula sa 46 na katao sa pamamagitan ng isa na namang investment scam
Kinilala ang suspek na si Margarita Huang alias Marita Reyes Huang na inaresto dahil sa kasong estafa.
Pinangakuan umano ng suspek ang mga biktima ng 4% buwanang interest sa loob ng 6 na buwan sa ilalagak nilang pera sa isang Comfood Lending Corporation.
Pero walang interes na nakuha ang mga biktima at hindi na rin bumalik ang ininvest nilang pera.
Naglalaro sa P100,000 hanggang 3 milyong piso ang ibinigay ng bawat biktima sa suspek
Tinutugis na rin ng mga awtoridad ang asawa, anak at sekretarya ni Huang na sangkot din umano sa multi-million investment scam.
Margarita Huang na pasimuno umano sa daang milyong pisong investment scam, iprinisinta sa Camp Crame ni PNP chief Oscar Albayalde @dwiz882 pic.twitter.com/Ius2ecVBgU
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) May 28, 2018
—-