Hanggang saan aabot ang pagiging abangers mo sa produkto na gustong-gusto mong bilhin?
Ang kwento ng babae at ng asawa niyang nanguna sa pila ng launching ng iPhone 16, alamin.
Ni-launch ang iPhone 16 series sa piling Power MAC Centers noong madaling araw ng October 18 at kabilang dito ang branch sa Greenbelt 3 sa Makati.
Inabangan at pinilahan ito ng higit 300 katao at kasama sa mga nanguna sa pila ay si Lynn Anog at ang kanyang asawa.
Sinabi ni Lynn na alas singko pa lang ng hapon noong October 15 ay nakapila na sila ng kanyang asawa.
Dahil dito kung kaya’t na-break ni Lynn ang record ng customer mula sa Cebu na si Joey Reyes, na nanguna noon sa pila para sa release ng iPhone 11, 14, at 15.
Ayon kay Lynn, nakasabay niya pa noon sa pag-aabang si Reyes ngunit pang walo lamang siya sa pila.
Dagdag pa niya, ngayon lang daw ulit sila nag-upgrade after 4 years at talagang pinag-ipunan ang bagong cellphone.
Ikaw, gaano mo katagal kayang maghintay para sa inaabangang produkto?